Your browser does not support JavaScript!

Mga Logistics Companies Para sa Lipat Bahay

Mga Logistics Companies Para sa Lipat Bahay

Ang paglilipat ng bahay ay isang nakakapagod na gawain na kailangan paghandaan ng maigi. Ang pag-iimpake at pag-unpack ng mga kahon, pag-aayos ng mga alalahanin sa logistik, at pagaasikaso pa ng ibang mga pangangailangan ay sapat na upang mapagod kung sino man ang nakaatas gawin ito.

Buti nalang, may mga makabagong logistics companies na ngayon na siguradong pwede mong asahan para maibsan ang pasanin mo sa paglilipat ng bahay. Basahin ang mga sumusunod para malaman kung anu-ano ang mga kumpanaya na ito:

mobertechnology_logoMober

Natatag ang Mober sa Pilipinas nuong 2015 at simula nuon, nakilala na ito sa pagbibigay ng same day door to door delivery service. Ayon sa kanilang website, ilan sa mga serbsiyo nila ay Pet Shuttle, Store Pickup, Scheduled Delivery, at Lipat Bahay. May kakayanan sila mag hatid saan man sa Metro Manila, Pampangan, Cebu, Davao at Bicol. Madali lang magamit ang serbisyo ng Mober dahil may mobile app ito sa App Store at Google Play na maaring mong ma-download.

transportify logoTransportify

Ang Transportify ay kilala sa kanilang mga trak. Sila ay kadalasang pinipili ng mga negosyo at indibiduwal na kailangan mag padala ng malalaki at mabibigat na kargo dahil sa lawak ng seleksyon ng sasakyan na pwedeng pagpilan at sa dami ng destinasyon na pwede saan man sa Luzon at Cebu. Isa rin ito sa mga patok na logistics app para sa lipat bahay dahil kagaya ng Mober, madali ito mahanap at tumatanggap sila ng deliveries kahit ano mang oras. Kung kakailanganin mo ng malaking trak kagaya ng mga six wheeler at ten wheeler, meron nito ang Transportify.

Lalamove

Kagaya ng Mober at Transportify, ang Lalamove ay isa rin na logistics app. Ang pinaka malaki na sasakyan na meron ang Lalamove para sa lipat bahay ay light truck. Ito ay ang mga sasakyan na kung tawagin natin ay mga aluminum vans. Kung kakailanganin mong maglipat ng ilang mga lamesa, kama, at kabinet, maaaring maging sapat na ito para ikarga ang iyong mga gamit. Medyo limitado ang service area ng Lalamove dahil ito at nagseserbisyo lamang sa Mega Manila, Pampanga, Laguna, Cavite, Rizal, at Cebu. Kung ikaw ay nakatira sa mga lugar na hindi nabanggit, hindi mo maaaring magamit ang Lalamove para sa iyong lipat bahay.

JRS Express logoJRS Express

Makikita sa website ng JRS Express na maliban sa express padala ng mga dokumento at parcel, meron nadin silang serbisyo para lipat bahay. Hindi kagaya ng Mober, Transportify at Lalamove, ang JRS Express ay walang logistics app na pwede mong gamitin para mag-book ng lipat bahay service. Para magpa-book kailangan mong tumawag mismo o magpunta sa branch ng JRS para mabigay ka ng quotation.

Marami ng paraan ngayon para mapabilis at mapadali ang mga pag gawa ng bagay bagay, kagaya nalang ng lipat bahay. May mga smart phones na tayong pwedeng gamitin ngayon at nagkalat narin ang mga lipat bahay service sa internet. Nasasaiyo ito kung anong logistics company ang pinakamaring mabibigay na tulong sayo sa apesto ng serbisyo at presyo.

SEE ALSO:

cat-dewinta-profile-og

Cat Dewinta

Article updated on December 15, 2021

Cat Dewinta is a well-established Logistics Consultant with a decade of experience in streamlining supply chains. Her proficiency in utilizing modern advancements has significantly enhanced delivery operations and customer satisfaction, solidifying her reputation as a respected industry leader.