Your browser does not support JavaScript!

Saan Mas Magandang Mag-apply: Lalamove o Transportify?

Saan Mas Magandang Ma-apply: Lalamove o Transportify?

Lalamove at Transportify ang top choices ng mga delivery drivers sa Pilipinas. Nag-research kami para malaman kung saan nga ba mas magandang mag-apply, sa Lalamove o Transportify?

Eto ang aming nalaman ayon sa research:

Mas Malaking Kita: Transportify

Mataas ang kitaan sa Transportify dahil may long distance bookings sila na available sa buong Luzon at Cebu. Mas madalas rin mag bigay ng surge ang Transportify sa mga bookings para mas tumaas ang posibleng kitain ng driver. Kumpara sa Lalamove na napipilitan ang mga drivers na mag double booking para mapataas ang kita dahil masyadong mababa na booking rates.

Madaling Apply-an: Pareho

Sa requirements at process ng application similar lang si Lalamove at Transportify. Pareho itong may online exam para sa driver applicants. Eto ang mga requirements na kadalasang hinihingi kapag ma-aapply:

  • Driver’s License
  • Tax Identification Number (TIN)
  • NBI Clearance
  • OR/CR or Notarized Deed of Sale

Ang pag-process ng application ay maaring abutin ng up to 7 days. Depende ito sa inyo kung maibibigay agad ng kumpleto ang requirements.

Para sa buong listahan ng Transportify requirements, i-check dito.

Para sa buong listahan ng Lalamove requirements, i-check dito.

Rules and Regulations: Lalamove

Mas maluwang ang Lalamove kaysa Transportify. Ayon sa mga driver Facebook groups, mahigpit na mino-monitor ng Transportify ang late arrivals at booking cancellations kaya marami itong nabibigyan ng violation charges. Dahil dito, mas nagugustahan ng mga delivery drivers na subukan sa Lalamove.

Mabilis na Cash out: Transportify

Sa Transportify pwede ang same day cash out. Sa Lalamove tumataggal ng 2-3 business days bago ma-withdraw ng drivers ang pera nila kaya mas gusto ng drivers ang Transportify kasi mabilis makuha ang pera.

Maraming Driver Benefits: Lalamove

Maraming perks at benefits ang pwedeng makuha sa Lalamove kagaya ng oil discounts, insurance, health service discounts, at gadgets. Sa Transportify naman, oil discounts mula sa Shell ang pwedeng pakinabangan ng drivers.

Magandang Fleet Partnership: Transportify

Parehong may fleet ang Lalamove at Transportify pero Transportify lamang ang may special platform para sa fleet partners. Gamit ang special platform, mas madaling ma-cocontrol ng fleet operator ang bookings.

Lalamove o Transportify?

Bago mag-apply sigurdahin na tinatanggap ang uri ng sasakyang ipapasok mo. Tandaan na:

  1. Ang Lalamove ay mga mga motorsiklo pero walang trak. Ang Transportify naman ay tumatanggap ng maraming uri ng trak pero walang motorsiklo.
  2. Malawak ang service area ng Transportify sa buong Luzon, Cebu, at ibang lugar sa Mindanao. Ang Lalamove naman ay nag ooperate lamang sa Mega Manila, CALABA, Rizal, Pampanga at Cebu.

Base sa amin mga nalaman, mas maraming advantages ang pagsali sa Transportify lalo na sa usapan ng kitaan at mabilis na cash out.

Kung interesado mag-apply sa Lalamove o Transportify, puntahan ang kanilang mga webiste gamit ang link sa baba.

Apply In LalamoveApply In Transportify

SEE ALSO:

cat-dewinta-profile-og

Cat Dewinta

Article updated on December 17, 2021

Cat Dewinta is a well-established Logistics Consultant with a decade of experience in streamlining supply chains. Her proficiency in utilizing modern advancements has significantly enhanced delivery operations and customer satisfaction, solidifying her reputation as a respected industry leader.